GADGET SALES AND PROMOS

Friday, 9 September 2016

Mga lider sa Asya, ‘di nakaimik nang makita ang Mindanao massacre photos



Walang nasabi ang Asian leaders sa ipinakitang mga larawan sa pag-massacre ng mga Amerikanong sundalo sa mga Moro sa pagpatutupad ng Pacification Campaign sa Pilipinas, isang siglo na ang nakalilipas, pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Indonesia nitong Biyernes.
Sa harap ng Filipino community sa Indonesia, sinabi rin ng Pangulo na ipinakita niya ang mga larawan nang talakayin ng East Asian leaders ang usapin tungkol sa human rights sa isang pagpupulong sa Vientiane, sa katatapos lamang ASEAN summit sa Laos.
Hinintay umano ni Duterte ang reaksyon ng mga lider, kabilang na si US President Barack Obama, pero wala umanong nagkomento.

“Ako, because of the pressure para huminto na sila. Sabi ko, ‘Since human rights was mentioned, I produced a few pages pictures in the Pacification campaign by the Americans at the turn of the century. Of the 600,000 Muslims, 6,000 were murdered. They were just buried in a common pit.’ Naghukay lang tapos iyong mga sundalo, pinapatungan lang ang mga dibdib ng mga babaeng nakahubad,” pagbabahagi ni Duterte.

Naalala rin daw niyang sinabi niya sa mga lider na dumalo sa East Asia Summit: "This is human rights. What do you intend to do? Do not tell me this is water under the bridge. Human rights violation either committed by Moses or Abraham is still a violation of human rights. When was this philosophy about human dignity in the world evolved? Now? Or during this time?"
Kabilang sa mga dumalo sa East Asia leaders' summit sina Obama at UN Secretary General Ban Ki-Moon.

“Tumahimik sila. Kasi ako handa na ko. I was waiting for Obama to respond. Eh ito, abugado to abugado tayo. Sige daw ... Wala," Duterte said. 

“Kung tayo, violation [ng human rights]. Sa kanila, hindi,” ayon kay Duterte.
Una sa iskedyul ni Duterte sa Indonesia ang pakipagkita sa isang Filipino community doon.
Matapos ito, tumuloy siya sa formal acceptance cerecmony na inihanda ng Indonesia.
Maaga pa lang nitong Biyernes, makikita na sa national monument sa Jakarta ang magkatabing larawan nina Duterte at Indonesian President Joko Widodo, ayon sa ulat ni GMA News reporter Joseph Morong.
Isa sa mga pangunahing layunin ng Indonesia visit ni Duterte ay ang ipakiusap ang "clemency" para kay Mary Jane Veloso, ang OFW na nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong drug smuggling.
Pero, kung hindi naman daw mapagbigyan ang pakiusap para kay Veloso, handa naman daw na tanggapin ng Pilipinas ang anumang pasya ng pamahalaan ng Indonesia.
Nauna rito, sinabi ng Embahada ng Pilipinas sa Indonesia na wala nang pagkakataong madalaw ni Duterte is Veloso sa kulungan sa kanayang pagdalaw.

No comments:

Post a Comment