GADGET SALES AND PROMOS
Wednesday, 5 October 2016
Pamunuan ng SM Malls, ipinatawag sa mandatory conference ng DOLE
Ipinatawag ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mandatory conference ang pamunuan ng SM Malls dahil sa umano ay mga paglabag nito sa labor standards. Ayon kay DOLE Undersecretary Dominador Say, bukas isasagawa ang mandatory conference, kung saan inaatahasang humarap ang pamunuan ng SM Malls.
Ito ay makaraang makitaan umano ng mga paglabag ang SM sa labor standards.
Hindi naman na inisa-isa ni Say ang mga paglabag ng SM, pero isa sa binanggit nito ang aniya ay maghapong pagtayo ng mg saleslady sa lahat ng branch ng Mall.
Sinabi ni Say na sa kabuuan ng duty ng mga saleslady o salesman, sila ay maghapong nakatayo at hindi nakakaupo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na unti-unti ay tumutugon naman na ang SM sa mahigpit na pagbabantay ng pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng contractualization o end of contract (ENDO) ng mga kumpanya.
Katunayan ayon kay Bello, umabot na sa 4,800 na mga manggagawa ang ni-regular sa mga SM Malls.
Tiniyak naman ni Bello na bagaman unti-unti ay nagreregular na ang SM ng kanilang mga manggagawa, hindi naman isasantabi ng DOLE ang mga makikitang paglabag nito sa labor standards.
Una nang sinabi ng labor group na Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) na ang SM ang number one violator kung ang pag-uusapan ay ang security of tenure ng mga manggagawa dahil mayroon itong 34,000 contractual employees nationwide.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment